Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na makikipag-ugnayan sila sa tanggapan ni Senadora Risa Hontiveros kaugnay ng expose’ nito sa “pastillas scheme” na kinasasangkutan ng ilang tauhan ng Immigration

Partikular ang sinasabing pagtanggap ng suhol ng ilang BI personnel para mag-escort sa Chinese Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) workers.

-- Advertisement --

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, hihingi ang BI ng mga detalye kay Hontiveros hinggil sa naturang expose’ nito para magamit sa kanilang imbestigasyon

Nais aniyang matukoy ni Immigration Commissioner Jaime Morente kung sino-sino ang mga nasa likod ng nasabing sindikato

Kasong administratibo at kriminal ang kakaharapin ng mga mapapatunayang nasa likod ng modus.