-- Advertisements --
AGRI 3

NAGA CITY- Umabot na sa mahigit P79 million ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Ambo sa Bicol Region.

Sa partial damage report ng Department of Agriculture (DA)-Bicol, nangunguna sa may pinakamalaking pinsala ang lalawigan ng Masbate na may P36.9 million, sunod ang Camarines Sur na may P33.1 million, Albay na may P4.5 million, Sorsogon na may P2.6 million, Catanduanes na may P2.5 million at Camarines Norte na may mahigit P85,000.

Sa kabuuan, nasa 3,847. 87 ektarya ng sakahan sa rehiyon ang naapektuhan habang 4,565 metric tons naman ang production loss.

Samantala sa data naman ng Office of the Civil Defense-Bicol (OCD-Bicol), mayroon pang mahigit sa 21,000 pamilya ang nananatili sa mga evacuation centers ngunit inaasahang magpatupad na ng decampment ang mga natitira pang local government units (LGUs) ngayong araw.

Kinumpirma naman ni OCD-Bicol Regional Director Claudio Yucot na zero casualty ang buong rehiyon matapos ang pananalasa ng naturang bagyo.