-- Advertisements --
Pinaghahanda ng Pagasa ang mga residente ng Visayas at Mindanao dahil sa panibagong low pressure area (LPA) na papalapit sa ating bansa.
Ayon kay Pagasa weather specialist Meno Mendoza, namataan ang LPA sa layong 1,845 km sa silangan ng Mindanao.
Posible umano itong maging ganap na bagyo sa loob ng tatlong araw.
Kung aabot na sa tropical depression category, bibigyan ito ng Pagasa ng local name na “Bising.”
Maliban sa LPA, nakakaapekto rin sa bansa ang easterlies na may mainit na hangin, ngunit madalas na nagdadala ng ulan sa dakong hapon at gabi.
















