Umapela ng dasal si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa mga Pilipino para sa mabilis na paggaling ni Pope Francis.
Una ng isinugod sa ospital ang 86 anyos na Santo Papa sa Roma dahil sa respiratory infection.
Nanawagan ang Papal Nuncio sa mga Pilipino na isama sa kanilang dasal ngayong holy week ang magandang kalusugan at mabilis na paggaling ni Pope Francis.
Una ng naglabas ng statement si Holy See Press Office director Matteo Bruni nitong hapon ng Miyerkules oras sa Roma na isinugod ang Santo Papa sa Gemelli hospital matapos na makaranas ng hirap sa paghinga sa nakalipas na mga araw.
Nilinaw naman ng Vatican na hindi ito dahil sa covid-19 kundi base sa resulta ay lumalabas na nagkaroon ng respiratory infection ang Santo Papa na nangangailangan ng ilang araw na angkop na hospital medical treatment.