-- Advertisements --

Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang panukalang batas na nagbibigay ng kapangyarihan sa kanya na iurong ang petsa ng pagbubukas ng klase na iba sa itinakda ng batas.

Nitong Biyernes pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11480 na nag-aamyenda sa RA 7797 partikular ang bahagi na nagsasabing ang opening klase ay dapat gawin sa pagitan lamang ng unang Lunes ng Hunyo at hindi lalagpas sa huling araw ng Agosto.

Sa bagong batas papayagan si Pangulong Duterte batay sa rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) Secretary na magtakda ng ibang petsa kung may deklarasyon ng state of emergency o state of calamity.

Saklaw nito ang lahat ng basic education schools kasama ang foreign at international schools sa bansa.

Ipinag-utos naman sa DepEd ang pagtatakda ng pagtatapos ng school year, kung saan ikokonsidera ang Christmas at summer vacation at iba pang kondisyon ng kada rehiyon na dapat isaalang-alang.

Pinapayagan din ang ang Saturday classes para sa elementary at secondary levels para sa public at private schools.

Epektibo ang batas matapos agad ang official publication nito sa Official Gazette o sa mga pahayagan.

Ang DepEd naman ang bubuo ng implementing rules ang regularions (IRR) sa loob ng 30 araw makalipas ang effectivity date.