-- Advertisements --

Suportado ng ilang civic society group ang patuloy na paninindigan ng sandatahang lakas sa pagprotekta sa teritoryo ng Pilipinas.

Sa kabila kasi ng patuloy na panggigipit pa rin ng bansang Tsina sa West Philippine Sea (WPS), ang Armed Forces of the Philippines ay mayroon pa rin mga hakbang para mapanatili ang soberanya ng bansa.

Kung kaya’y pinuri mismo ni Dr. Jose Antonio Goitia ang mga hakbang ng sandatahan mapaigting lamang ang depensa nito.

Naniniwala siyang ang mga ginagawa sa kasalukuyan ng sandatahang lakas ay malinaw nagpapakita sa paninindigan at hindi pagsuko sa anumang uri ng panggigipit o pananakot.

Ayon pa kay Chairman Emeritus Goitia ng Filipinos Do Not Yield Movement, epektibo ang mga estratehikong inisyatiba ng AFP.

Una’y tuloy-tuloy na presensya at patrolling sa naturang bahagi ng karagatan, habang pangalawa’y pinalawak na kooperasyon ng bansa sa allies at partners.

Ito’y sa pamamagitan ng pagsasagawa ng joint patrols, maritime exercises, at diplomatikong pakikipag-ugnayan.

Ang iba pa’y patungkol sa mabilis na pagbabahagi ng mga impormasyon kalakip mga ebidensya, at paglalantad hanggang maging sa ibang bansa ang gawain ng Tsina.

Pang-huli naman ay ang ‘whole-of-nation approach’ nito sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, civil society, pribadong sektor at komunidad.

Kung kaya’t dahil rito’y naniniwala si Goitia na ang pagkakaroon ng ‘transparency’ at pagkakaisa ay epektibo para mas palakasin ang posisyon ng bansa sa usapin teritoryo.