-- Advertisements --
Hinikayat ng gobyerno ng China ang mga mamamayan na mag-imbak na mga essential supplies sa panahon ng emergencies.
Hindi naman binanggit ng Ministry of Commerce ang dahilan ng kautusan subalit marami ang naniniwala na ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Hiniling din nila sa mga local na otoridad na dapat patuloy ang daloy ng mga suplay at huwag itaas ang pesyo.
Matapos ang nasabing anunsiyo ay nagkaroon ng panic-buying sa iba’t-ibang pamilihan sa bansa.
Magugunitang ilang bahagi ng China ang nagpatupad ng lockdowns dahil sa patuloy umano pagtaas ng kaso ng COVID-19.