-- Advertisements --
Pinawi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Benjamin Diokno ang pangamba ng publiko sa posibleng epekto sa ekonomiya ng pagtaas ng COVID-19 cases sa mga lalawigan.
Ayon kay Diokno, karamihan sa mga bagong kaso ngayon ay nasa Visayas at Mindanao.
Paliwanag ng opisyal, ang sentro pa rin ng kalakalan ay nakatuon sa kalakhang Maynila, Central Luzon at Southern Tagalog.
Katumbas umano ito ng 66 percent ng ating kabuuang ekonomiya.
Kaya naman, tiwala ang BSP na nasa 3.9% pa rin ang magiging inflation rate ng bansa kabuuan ng taong 2021.
Inaasahan ding 3.0% na lang ito pagsapit ng 2022.
Aniya, ang transportasyon at pagkain pa rin ang pangunahing rason sa pagbilis o pagbagal ng pagmahal sa presyuhan ng mga produkto at serbisyo.