-- Advertisements --
Nakaamba na naman ang dagdag presyo ng langis sa susunod na linggo.
Posibleng maglaro umano ng hanggang P6 hanggang P7 sa kada litro ang itataas ng diesel.
Maglalaro din ng mula P2 hanggang P3 ang itataas sa bawat litro ng gasolina.
Itinuturong dahilan nito ay ang pagpapatupad ng European Union ng oil deportation ban sa mga Russian oil sa maraming bahagi ng Europa.
Inaasahan na sa Lunes ay pormal na iaanunsiyo ng mga oil companies kung magkano talaga ang eksaktong taas presyo nila.