-- Advertisements --

CEBU CITY – Kinumpirma ni Lapu-Lapu City Mayor Junard Ahong Chan na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-500 taong anibersaryo ng Kadaugan sa Mactan sa darating na Abril 27 ngayong taon.

Highlight sa nasabing aktibidad ang reenactment sa Battle of Mactan kung saan natalo ni Datu Lapu-Lapu ang mga Espanyol sa pamumuno ni Ferdinand Magellan.

Lilimitahan lang sa 50 hanggang 100 ang papayagang makadalo upang masigurong masunod ang social distancing at para na rin sa seguridad ng pangulo sa gitna ng coronavirus pandemic.

Dahil dito, hinimok ng alkalde ang mga Oponganon na manatili na lang sa bahay sa araw na iyon sapagkat maaari naman itong mapanood via online.

Kabilang pa sa ilang aktibidad ang gala at cultural show, fireworks display, at drone display.

Nakadepende rin aniya ang pagsisimula ng reenactment sa pagdating ng presidente at kung anong oras tataas ang tubig sa dagat.

Maliban sa pangulo, dadalo rin sa Senador “Bong Go,” Sonny Angara, at Imee Marcos.

Gaganapin ang event sa Liberty Shrine sa Barangay Mactan ng lungsod.