Reading Time: 1 minute

Pinaaalalahan ni PNP chief Oscar Albayalde ang lahat ng mga kandidato sa national level na mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya sa lahat ng kampo ng PNP.

Ang paalala ni Albayalde ay kasunod ng opisyal na pagsisimula ng campaign period nitong Martes.

Sinabi ni Albayalde, hindi nila pahihintulutan ang sinumang mga kandidato na mangampanya sa lahat ng mga kampo ng PNP.

Mahigpit din ang direktiba ni Albayalde sa lahat ng mga kapulisan na manatiling non-partisan at apolitical.

Tiniyak naman ng heneral na mananagot ang mga pulis na mapatunayang may kinikilingan at pinapanigang pulitiko.