-- Advertisements --
Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na suspendido na ang lahat ng flood control projects para fiscal year 2026.
Inihayag ng Pangulo na ang budget para sa mga flood control projects ay i-realign sa education, agriculture, health, housing, infra, ICT, labor, social, energy at iba.
Kaugnay nito, sinabi ng pangulo na bumalangkas na sila ng isang “menu” o listahan ng mga ahensya at programa, na makikinabang sa pondong panukala sana para sa mga flood control projects.
Nauna nang sinabi ng pangulo na “zero budget” o walang matatanggap na alokasyon ang mga flood control projects sa ilalim ng panukalang 2026 budget, dahil may natitira pa at hindi nagagalaw na P350-billion sa ilalim ng kasalukuyang budget.