Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maiiwasan na ang mga insidente ng panghaharass ng China sa West Philippine Sea (WPS) matapos ang multilateral maritime cooperative activity.
Sinabi ni PBBM na naging maganda ang katatapos lang na aktibidad sa pagitan ng Australia, Japan, Estados Unidos at Pilipinas nitong linggo Marso 7.
Matagal na aniya na plinano ang aktibidad at base sa nakuha niyang mga ulat ay napakahalaga nito pagdating sa “interoperability” para magkakilala ang bawat navy ng mga bansa at matuto na mag operate ng sama sama
Ginagawa rin anya ng gobyerno ang lahat kabilang na ang pakikipag usap sa ministerial level, sub-ministerial leve, at sa people to people level para makausap ang liderato ng china at Beijing para sabihin na huwag na madyadong painitin pa ang sitwasyon.
Kaya umaasa si Marcos na maiiwasan na ang mga insidente ng agresyon ng China sa Pilipinas matapos ang multilateral maritime cooperative activity.
Pakiusap pa ng pangulo na mag-usap tayo nang mabuti para walang banggaan , walang cannon at water cannon.