-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Puro negatibo sa COVID-19 ang resulta sa 50 mga RT-PCR tests na natanggap ng Department of Health (DOH) Caraga mula sa Southern Philippines Medical Center o SPMC ng Davao City.

Sa nasabing mga resulta, isa nito ang isasa-ilalim pa rin sa pangalawang follow-up test sa pamamagitan ng pang-apat na kumpirmadong kaso ng COVID-19, habang may 19 naman na mga suspect cases, tatlong probable cases, pati na ang 21 mga kasamahan o close contacts ng pang-apat na confirmed case, at anim na iba pa matapos magpositibo sa Rapid Antibody Tests na nai-refer na sa kani-kanilang mga Local Government Unit o LGUs.

Matatandaang ang pang-apat na confirmed COVID-19 case nitong rehiyon ay isang 37-anyos na babaeng health worker ng Caraga Regional Hospital ng Surigao City na walang travel history sa mga lugar na may local transmission ng coronavirus ngunit na- expose sa COVID-19 cases dahil sa kanyang pagiging health workel.

Una nang nakarekober ang na-unang tatlong kumpirmadong kaso sa nasabing virus sa rehiyon.

Kaugnay nito’y hinimok ni DOH-13 Regional Director Jose Llacuna, Jr. ang lahat na ilalim sa new normal kailangang susundin palagi ang minimum health standard advisories ng ahensiya laban sa COVID-19 kagaya na lamang ng pagmintina sa personal at environmental hygiene, physical distancing at early detection at isolation sa mga indibidwal na may flu-like symptoms.