-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang search and rescue operations ng Philippine Coastguard sa nasunog na pampasaherong barko sa Baluk-Baluk Island sa Basilan.
Ayon sa Philippine Coast Guard, nakatanggap sila ng tawag dakong 10:40 ng gabi nitong Miyerkules na nasusunog ang MV Lady Mary Joy 3 sa nasabing lugar.
Galing sa Zamboanga City patungo sa Jolo Sulu ang barko ng ito ay masunog.
Hinila malapit sa pangpang ang nasabing nasusunog na barko.
Agad naman na nagdeploy ng mga barko at rescue vessels ang Philippine Coast Guard sa nasabing nasusunog na pampasaherong barko.