DAGUPAN CITY–Nakaranas ng labis na pananakit ng tiyan at pagkahilo ang isang ginang at tatlo nitong mga anak matapos umanong malason sa kinaing adobong baboy sa Brgy Poblacion sa bayan ng Malasique.

Agad dinala sa pagamutan ang biktimang si Mara Jovellanos at tatlo nitong anak matapos makaranas ng labis na pananakit ng tiyan at pagkahilo.

Nakaranas rin umano ng panghihina ang mga biktima matapos kumain ng adobong baboy.

Base sa kwento ni Ginang Jovelanos ibinigay ng kapitbahay nito ang karne ng baboy sa kanila galing palengke.

Isinailalim naman sa pagsusuri ang kinain ng mag iina.

Posible umanong kontaminado ng bacteria ang kinaing adobo ng mga biktima.