Reading Time: 1 minute

Emosyunal ang nangyaring reunion nina dating Sandiganbayan Justice Harriet Demetriou at ang pamilya nina Eileen Sarmenta at Allan Gomez sa lungsod ng Makati.

Matatandaang si Demetriou ang huwes na humatol ng guilty kay dating Calauan, Laguna, Mayor Antonio Sanchez dahil sa panggagahasa at pagpatay kay Eileen at pagpatay naman kay Allan.

Naluha habang nagkukumustahan sina Iluminada Gomez at Maria Clara Sarmenta, mga magulang ng dalawang biktima.

Nagkita-kita ang mga ito matapos ang mahigit dalawang dekada, nang ibaba nang noo’y Pasig City Regional Trial Court (RTC) judge na si Demetriou.

Pero sa pagkakataong ito ay isyu ng muntik na paglaya ni Sanchez ang naging laman ng kanilang kwentuhan.

Present din sa reunion ang dating Justice secretary noon na si Senate Minority Leader Franklin Drilon.