-- Advertisements --

Nanawagan ang ina ng nasawing rider at public school teacher na si Alexander Cruz sa mga piskal ng Marikina City Prosecutors Office na agad nang resolbahin ang ikinasang preliminary investigation.

Hiling nila ang agaran pag-usad ng kaso at mapabilis ang pagproseso upang tuluyan maisyuhan ng warrant of arrest ang nakabangga na anak ng bise alkalde sa lungsod ng Marikina.

Ang naturang guro ay isang linggo na-coma bago tuluyang mamatay matapos mabangga ng minamanehong sasakyan ni David de Guzman.

Kung kaya’t hiling ng pamilya na magkaroon na ng resolusyon ang prosekusyon para matukoy kung may sapat na basehan upang maisampa ang kaso sa korte.

Kasabay nito’y ibinahagi pa ng ina ang kanyang kalungkutan sa pagkasawi ng anak at pati pangamba sa posibilidad na makatakas lamang ang suspek.

Umaasa silang sa kabila nito’y makakamit pa rin ang hustisya para sa kanilang mahal sa buhay.