PMA CADET
Cadet 4th Class Darwin Dormitorio

CAGAYAN DE ORO CITY- Inamin ngayon ng pamilya Dormitorio na umaabot sila sa punto na paghigantihan sana ang pitong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na responsable nang pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Ito ay matapos hindi nila matanggap kung gaano pinapahirapan ng mga kadete na pinamunuan ni PMA 1st Class Axl Ray Sanopao si Darwin hanggang bumigay ang katawan noong Setyembre 18 ng madaling araw.

Inihayag sa Bombo Radyo ni Dexter Dormitorio na hindi maiwasan na umaabot sa kanilang mga isipan na magalit dahil walang kasalanan ang kanyang kapatid upang patawan ng sobra-sobrang pagmaltrato sa loob ng PMA.

Subalit nilinaw ni Dormitorio na mismo rin ang kanilang ama na retiradong army official na si Col William Dormitorio ang nagpakalma sa kanilang mga
damdamin.

Ito ang dahilan na mas pinili nila na idadaan sa legal na labanan ang pagkamtan ng hustisya para sa nawawalang anak ng pamilya na dumanas ng ilang buwan na hazing mula sa mga kamay ng ilang upperclass men sa akademya.