-- Advertisements --

Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang mga kumpanya na maging mabusisi sa isusumiteng RT-PCR test ng kanilang mga empleyado na magbabalik trabaho.


Ang apela ng PNP ay kasunod ng paglipana ng mga pekeng RT-PCR test na isinusumite ng mga empleyado sa kanilang kumpanya para makabalik na sila sa kanilang trabaho.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana, may mga report na natatanggap ang PNP kaugnay sa mga nagsulputang mga pekeng swab test.

Sinabi ni Usana kanila na rin mino-monitor ang kumakalat na pekeng RT-PCR test na kagagawan ng mga unscrupolous individuals na posibleng may kuneksiyon sa mga hospital at clinics kayat nakakakuha sila ng mga impormasyon .
Aniya may mga impormasyon din natanggap ang PNP na ang ilang impormasyon ay galing pa sa RITM kaya kanila itong itinuturing na isang scam.
Inihayag ni Usana ang mga taong mahuhuli na namemeke ng RT-PCR Test ay mahaharap sa kasong estafa.
Ayon kay Usana dapat may sense of responsibility ang bawat isa lalo na at kalusugan ang napag-uusapan.