Kinumpirma ngayon ng Palestinian party Fatah na pumanaw na ang Palestinian negotiator na si Saeb Erakat dahil sa coronavirus.
Namatay ito sa edad na 65-anyos,
Si Erakat ay kinikilalang veteran peace negotiator at spokesman ng Palestinians sa nakalipas na tatlong dekada.
Pumanaw si Erakat, ilang linggo makaraang mahawa sa COVID-19.
Nagdulot ng komplikasyon kay Erakat ang coronavirus lalo na at sumailalim din ito sa lung transplant noong 2017, mahinang immune system at bacterial infection.
Sinasabing noong taong 1995 nang maitalaga si Erakat bilang chief Palestinian negotiator at nag-resign lamang noong 2003 dahil sa kanyang protesta sa kanilang liderato.
Kung maalala sumikat siya ng husto bilang senior adviser ni Arafat.
Bago siya namatay top adviser din siya ni Palestine President Mahmoud Abbas.
Samantala, ilang world leaders naman ang agad na nagpaabot nang pakikiramay sa mga taga-Palestine.