Kinastigo ng Sandiganbayan ang Office of the Solicitor General (OSG) dahil sa umano’y paulit-ulit na pagkaantala sa paghain ng ebidensya at mga testigo sa forfeiture case kaugnay ng sinasabing natitirang ill-gotten wealth ng pamilyang Marcos.
Sa pagdinig, humingi ng dagdag na oras ang OSG para makumpleto ang mga dokumento at makapaghain ng mga competent witnesses, ngunit iginiit ng korte na hindi na katanggap-tanggap ang patuloy na delay sa kaso.
Kabilang sa mga respondents sa kaso sina Ferdinand Marcos Jr., dating Unang Ginang Imelda Marcos, Sen. Imee Marcos, at Irene Marcos-Araneta.
Binigyang-diin ng mga mahistrado na matagal nang nakabinbin ang kaso at dapat na umusad na ang proceedings, habang iginiit naman ng depensa na maaapektuhan sila ng patuloy na pag-antala.
Sa huli, ipinag-utos ng korte na magsumite na lamang ng mga posisyon ang magkabilang panig at isusumite na ang kaso para sa resolusyon.
Nagpasalamat din ang mambabatas sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya at sa kanyang pamilya sa kabila ng mga alegasyon. (Report by Bombo Jai)
















