-- Advertisements --

Binigyang-diin ng Malacañang na walang karapatan ang Estados Unidos na pakialaman ang panloob na usapin at pamamahala ng Pilipinas.

Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque ang reaksyon kasunod ng hirit ng 45 mambabatas ng US na ipawalang-bisa ang bagong lagdang Anti-Terrorism Act of 2020.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, matagal ng malaya ang Pilipinas mula sa pananakop ng Estados Unidos at hindi na natin sila “colonbial masterrs.”

Ayon kay Sec. Roque, dapat tigilan na ng US ang panghihimasok sa Pilipinas at kilalanin ang gumaganang judicial system na siyang magpapasya sa contitutionality ng Anti-Terror Law.

Kasabay nito, ipinaalala din ni Sec. Roque ang ginawang pagmasaker ng tropa ng Amerikano sa mga Pilipino noong panahon ng giyera lalo sa isla ng Samal.