-- Advertisements --

Hinihikayat ng Malacañang ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na araling mabuti at ipabatid sa kanilang mga tauhan ang updated o bagong bersyon ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Sa ilalim ng Rule IV, Sections 1 at 2 ng revised IRR, malinaw na nakasaad na ang mga preso o inmates na convited sa heinous crimes ay hindi entitled na mapababa ang sentensya o maging benepisyaryo ng GCTA.

Sa bagong bersyon ng IRR, binigyang-diin ding ang ibig sabihin ng heinous crimes ay katulad ng kung ano ang nakasaad sa probisyon ng RA 7659 o Death Penalty Law at mga krimeng partikular na idineklara bilang karumal-dumal ng Korte Suprema.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi na dapat pang magkaroon ng kalituhan sa pagpapatupad ng batas na ito dahil sa ginawang pagbibigay linaw sa bagong IRR.

Ayon kay Sec. Panelo, umaasa silang ang pagbabago at pagtatamang ginawa sa IRR ay tutugon sa mga loopholes o mga kinukwesyong bahagi ng naunang bersyon nitong nagdulot ng kalituhan para sa mga opisyal na nagpatupad ng batas at umani ng batikos mula sa publiko.

Pinapurihan naman ng Malacañang si Justice Sec. Menardo Guevarra at Interior and Local Government Sec. Eduardo Año dahil sa agad na pagkompleto ng mga ito sa 2019 IRR ng Republic Act no. 10592.

“We hope that the revisions and corrections made in the instrument would address the inaccuracies, as well as the loopholes of its earlier version which generated confusion among the officials in implementing the law, and the corresponding backlash of the public against them,” ani Sec. Panelo. “We exhort the officials of the BUCOR to study the new IRR and transmit the correct and up-to-date information to their staff for their proper guidance.”