Namemeligrong makansela ang “concessionaire agreement” ng Maynilad at Manila Water.
Babala ito ng Malacañang sa harap ng panibagong problema sa supply ng tubig na nararanasan ng mga taga-Metro Manila.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, gustong malaman ni Pangulong Duterte kung ano-anong mga hakbang ang ipinatupad ng dalawang water concesionaires mula noong Marso kung kailan unang nakaranas ng kakapusan sa supply ng tubig ang Kalakhang Maynila.
Ayon kay Sec. Panelo, kapag napatunayang walang paraang ginawa ang dalawang water concesionaires kahit pa may nakikitang kakapusan sa supply sa hinaharap, maaaring magpatupad ng mabigat na aksyon si Pangulong Duterte.
Samantala, bukas namang ikonsidera ng Malacañang ang panukalang water purifying sa Laguna de Bay.
Inihayag ni Sec. Panelo na pag-aaralan ng gobyerno ang lahat ng opsyon para maresolba ang problema sa water shortage.