-- Advertisements --

Tinawag lamang ng Malacañang na isang “political maneuvering” ang usapin na pagsampa ng impeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro , na walang lamang ang mga pahayag mula sa mga mambabatas na ibinabase lamang sa mga supporters ng hindi na binanggit na pulitiko.

Nakatuon ngayon kasi ang pangulo sa pangunguna at paglabas ng resulta para sa mga mamamayang Pinoy.

Reaksyon ito ng Palasyo sa naging pahayag ni House Senior Deputy Minority Leader and Caloocan 2nd District Representative Edgar Erice na mayroong ilang indibidwal na lumapit sa kaniya para i-endorso ang impeachment complaints laban kay Marcos dahil sa betrayal of public trust bunsod ng mga insertions sa budget.