Pinuri ng MalacaƱang ang economic team ng Duterte administration kasunod ng magandang fiscal performance ng bansa para unang semestre ng taon.

Patunay dito ang pagpalo ng revenue ng bansa sa nasabing period ng 9.7 percent kung saan umangat sa 10.1 percent ang tax revenues.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ikinatutuwa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtaas sa koleksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na pumalo sa 10.6 percent gayundin sa koleksyon ng Bureau of Customs (BOC) na pumalo ng 8.6 percent.

Kaugnay nito, pinasalamatan din ng MalacaƱang ang mga Pilipino sa aniya’y pagtanggap ng mga ito sa iba’t ibang tax measures gaya ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).

Asahan umanong malayo ang mararating nito at magagamit sa iba’t ibang programang may kinalaman sa edukasyon, pangkalusugan at pagpapalakas sa mga proyektong pang-imprastrakturang magpapatibay pang lalo sa domestic growth ng bansa.

“Filipino taxpayers can expect that we will utilize their hard earned money with wide and far reaching social amelioration programs in education, health and other basic needs, as well as enhanced investments in local infrastructure that will boost the nation’s domestic growth,” ani Sec. Panelo.