-- Advertisements --

Nagdadalamhati ang mga tagahanga sa buong mundo matapos pumanaw ang batikang mang-aawit na si Peabo Bryson, tinig sa likod ng ilang Disney theme songs at mga klasikong love duets, sa edad na 75.

Bumuhos ang pakikiramay at pagbabalik-tanaw mula sa fans at kapwa musikero na nagpaabot ng kanilang pasasalamat sa pamana ng kanyang musika.

Kinumpirma ng pamilya ni Bryson na binawian siya ng buhay nitong Martes, Hunyo 2, 2026 (US Eastern Time) sa Marietta, Georgia.

Ayon sa ulat, nakaranas siya ng stroke nitong nagdaang Linggo at sumailalim sa medical care, hanggang sa tuluyan siyang pumanaw nang mapayapa habang kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaanak.

Mananatiling buhay sa alaala ang kanyang pamana sa industriya ng musika, kabilang ang mga walang-kamatayang awitin tulad ng “Beauty and the Beast” at “A Whole New World,” na minahal ng iba’t ibang henerasyon.

Ang pagpanaw ni Bryson ay nag-iwan ng malaking puwang sa industriya ng musika, ngunit ang kanyang mga kanta ay patuloy na magiging bahagi ng kasaysayan at alaala ng mga tagahanga sa buong mundo.