SYRIA
Syria map

Umabot sa 31 na sundalo kasama na ang 7 high ranking officers ang namatay sa isang pagsabog na naganap sa Shayrat Airbase sa Homs, Syria dahil sa isang “Technical Error”.

Naganap ang pagsabog habang naglilipat ng mga expired na bala ang mga sundalo.

Ayon sa The Syrian Observatory na nakabase sa Britain, hindi pa umano malinaw ang sanhi ng insidente at may posibilidad na mga Iranian na sundalo na sumusuporta sa Syrian civil war ang nadamay.

Kasalukuyang inaalam ng mga otoridad kung may mga ilan pang mga namatay sa naganap na pagsabog doon.

Noong 2017 ay inatake ng US Airstrikes ang nasabing air base bilang tugon sa paghihinalang sila ang suspek sa naganap na sarin gas attack sa Khan Sheikhun sa Northwestern Syria na pumatay sa 80 katao.