PNP Chief Albayalde
PNP Chief Albayalde

Walang nakikitang koneksiyon ang Philippine National Police (PNP) sa nangyaring pagsabog sa isang Korean restaurant sa Quezon City at sa Sulu bombing.

Ayon kay PNP Chief PGen. Oscar Albayalde, ongoing ang imbestigasyon para matukoy ang motibo sa insidente.

-- Advertisement --

” No it’s not. I don’t think so, walang kinalaman ito doon sa or sinasabing spillover. Definitely wala tayong nakikitang connection doon sa nangyari sa Sulu or even problema sa Mindanao,” wika ni PNP chief Albayalde.

Naganap ang pagsabog hatinggabi ng Huwebes sa may bahagi ng Scout Tuazon corner Timog Avenue sa may Barangay South Triangle.

Narekober mula sa blast site ang safety lever, 1 striker spring at fragments ng MK-2 Fragmentation Hand Grenade.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pangangalap ng impormasyon ng PNP para mabatid ang motibo sa insidente.

Hinimok naman ni QCPD Director PBGen. Joselito Esquivel ang publiko na agad tumawag sa pulisya kapag may napapansing kahina hinala sa kanilang mga lugar.