James Bond
James Bond/ IG post

Niyanig ng pagsabog ang set kung saan ginagawa ang bagong pelikulang James Bond.

Ayon sa mga otoridad nagkaroon lamang ng aberya sa mga ginamit pa pampasabog sa pelikula sa Pinewood Studios, London.

Dahil sa panyayari ay nasira ang bubong at mga wall panels sa nasabing set.

Nagtamo naman ng minor ankle injury ang bida sa pelikula na si Daniel Craig na agad namang dinala sa pagamutan.

Nakatakdang ipalabas ang ika-25 na James Bond movie sa April 8, 2020.