-- Advertisements --

CEBU CITY-Personal grudge ang nakikitang motibo ngayon ng Negros Oriental PNP sa pag-ambush-patay ng mag-amang konsehal sa Sitio Napac-an, Brgy. Kalumbuyan, Bayawan City, Negros Oriental na kinilalang sina Felipe Condez, 60, at anak nitong si Jonesis Condez, 31.

Tinambangan ang dalawa sa may Brgy. Kalamtukan nitong Huwebes.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Negros Oriental Provincial Police Office Police Colonel Julian Entoma na galing namamalengke ang mag-ama sa Bayawan City at nang pauwi na ito, ay saka naman sinundan ng suspek na nakamotor at pinagbabaril pagdating sa naturang lugar.

Ayon ng direktor na basi sa kanilang nakuhang impormasyon dalawang armas ginamit ng gunmen na may basyo ng bala ng Armalite M-16 at cal. 45 na nakuha naman sa crime scene.

Isa rin sa kanilang persons of interest ngayon ang kapatid ng biktimang si Condez dahil nabatid na may hidwaan ang kanilang pamilya.

Ngunit sa ngayon ay patuloy ang kanilang pagkilala sa responsable sa nangyaring krimen dahil ang may takip sa mukha ang mga tumira sa mga biktima.