-- Advertisements --

Humingi ng tulong sa kapwa artista ang komediyanteng si Romeo “Romy” Pastrana o kilala bilang si Dagul.

Kasunod ito sa hamon sa buhay na kaniyang kinakaharap.

Sinabi ng 66-anyos na komedyante na nahihirapan siya sa pinansiyal na usapin dahil sa kawalan ng mga proyekto.

Bumuti na rin aniya ang kaniyang kalusugan kumpara noong nakaraang taon na lagi siyang nasa pagamutan.

Ilan sa mga sakit nitong binanggit ay ang sleep apnea, pulmo at binabantayan din ang kaniyang kidney.

Problemado din ang kaniyang tuhod dahil hindi na ito makalakad ng maayos at makatayo ng tuwid.