Tiwala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na mananaig ang batas at maipatutupad pa rin ang P85 na arawang umento sa minimum wage sa Metro Manila, sa kabila ng temporary restraining order (TRO) na inilabas ng korte.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, naniniwala siyang kikilalanin ng korte ang probisyon ng 1987 Constitution na nagbibigay ng buong proteksiyon sa mga manggagawa.
Matatandaang naglabas ang Pasig Regional Trial Court ng TRO noong Hulyo 30 kaugnay ng petisyon ng dalawang construction company na kumukuwestiyon sa Wage Order No. 27 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board.
Sa ilalim ng wage order, nakatakdang ipatupad ang P85 na dagdag-sahod para sa minimum wage earners sa pribadong sektor sa Metro Manila kung saan inutay-utay ito sa dawalang quarter. P60 na nagsimula noong Hulyo 25, at P25 na ipatutupad sa susunod na petsa.
Nilinaw rin ni Tolentino na dapat bayaran ng mga employer ang mga wage increase na naipon na ng mga manggagawa bago pa man magkabisa ang TRO.
Tiniyak din ng DOLE na patuloy nilang poprotektahan ang mga manggagawa.
Nakatakdang dinggin ng korte ang kaso sa Lunes, Agosto 3.















