Arestado ang dalawang kapulisan dahil sa pagbebenta ng mga iligal at hindi lisensyadong mga baril sa lungsod ng Caloocan.
Ikinasa ang buy-bust operation ng Caloocan City PNP laban sa mga suspek na may ranggong Police Staff Sergeant at Police Master Sergeant.
Ang mga naarestong suspek ay kapwa nakatalaga rin sa Caloocan City Police Station.
Naganap ang pag-aresto sa dalawa dakong 5:30 ng umaga nitong Agosto 6 kung saan isang sibilyan ang nagpanggap na bibili ng baril.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang 9mm na baril na inisyu ng Philippine National Police (PNP, isang calibre 38 revolver, 12-gauge shotgun, mga bala, marked money, dalawang cellphone at dalawang motorsiklo.
Nasa kustodiya na ng Caloocan City Police Station ang mga naarestong susepk at inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
















