ILOILO CITY – Kailangang pag-aralang mabuti ang Executive Order 26 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa nationwide smoking ban sa pampublikong lugar.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. General Camilo Cascolan, Deputy Chief for Operations ng Philippine National Police (PNP), sinabi nito na ipapatupad nila ang utos ng pangulo sa paghuli ng mga vape user sa bansa.
Pero ayon kay Cascolan, dapat isa-isahin din ang mga existing ordinance hinggil sa smoke-free environment upang maipatupad ito ng maayos.
Pahayag pa nito, bilang law enforcement agency ay kanilang susundin ang utos ni Presidente Duterte lalo na’t may isang kumpirmadong kaso ng sakit dahil sa paggamit ng vape sa Central Visayas.
Sa panig naman ng Integrated Bar of the Philippines, walang basehan ang PNP sa pagpapatupad ng total ban sa paggamit ng vape sa bansa.
Ayon kay Atty. Leo Superio ng IBP, sa ngayon ay walang batas na nagdedeklara na bawal gumamit ng vape.
Dagdag ni Superio, mas mabuting may ipasa munang batas ang Kongreso bago ipatupad ng PNP ang nasabing utos ng Presidente