-- Advertisements --

Nilinaw ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary of the CBCP-Public Affairs Office, na hindi layunin ng Simbahang Katolika na batikusin ang mga pulitiko sa mga inilalabas nitong pahayag, kundi gabayan ang publiko at bigyang-linaw ang mga isyung may kinalaman sa moralidad at tamang pamamahala.

Ayon kay Secillano, ang mga pastoral statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay inilalabas upang matulungan ang mga mamamayan na maunawaan ang mga pangyayaring maaaring magdulot ng kalituhan at mga sitwasyong aniya’y hindi na naaayon sa kagandahang-asal at etikal na pamantayan.

Ang pahayag ay kasunod ng matapang na pastoral letter ni Socrates Villegas kung saan binatikos nito ang biglaang pagpapalit ng liderato sa Senado matapos mapalitan si sEN Vicente Sotto III ni SEN Alan Peter Cayetano.

Iginiit din ni Secillano na mas nakikita umano ngayon ang pulitika bilang paraan ng pagtatanggol sa mga kaalyado kaysa pagsisilbi para sa kapakanan ng mamamayan. (Report by Bombo Jai)