Inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na ipatutupad ng ahensya ang utos ni Justice Secretary Fredderick Vida na isilbi ang arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon kay Matibag, “The order is to arrest Senator Dela Rosa, so we’ll do so without delay.” Dagdag pa niya, “In carrying out the arrest, we will strictly abide by the rules and ensure it is done professionally, as we always do.”
Giit pa ng opisyal, “Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not because we have to implement the law without fear or favor.”
Matatandaang naghain si Dela Rosa ng petisyon para sa Temporary Restraining Order (TRO) at/o Status Quo Ante Order sa Korte Suprema upang pigilan ang pagpapatupad ng ICC warrant sa Pilipinas, ngunit ito ay ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman sa botong 9-5-1.
Kasunod ng insidente ng putukan sa Senado noong Mayo 13, tiniyak ni Matibag ang buong kooperasyon ng NBI sa fact-finding panel ng Department of Justice at muling iginiit ang pangako ng ahensya sa isang transparent, tapat, at maayos na imbestigasyon.
Dagdag pa niya, nakipagtulungan na rin ang NBI sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP, na nakapagsagawa ng sworn statements mula sa mga NBI personnel na nakatalaga sa GSIS premises noong Mayo 13.
Ibinigay din ng NBI sa CIDG ang access sa mga video recordings, radio communications, at iba pang kaugnay na materyales mula Mayo 11 hanggang Mayo 13 na may kinalaman sa operasyon laban kay Dela Rosa.















