Inihayag ni Senador Erwin Tulfo na target magsimula sa Hulyo 6 ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos umano itong mapag-usapan sa caucus ng mga senador.
Ayon kay Tulfo, ipinrisinta na ni Senate President Alan Peter Cayetano ang panukalang iskedyul kung saan magdaraos muna ng regular session ang Senado sa umaga bago ituloy ang impeachment proceedings tuwing hapon mula Lunes hanggang Miyerkules.
Samantala, tinutulan ni Tulfo ang mungkahi ni Senador Rodante Marcoleta na payagang makaboto si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa impeachment proceedings kahit hindi ito pisikal na makadalo, giit niya na kinakailangang personal na present ang isang senador upang makilahok sa proseso.
Matatandaang kasalukuyang humaharap si Dela Rosa sa usapin kaugnay ng ICC arrest warrant matapos ding ibasura ng Korte Suprema ang kanyang hiling na Temporary Restraining Order (TRO).
Ayon kay Tulfo, hinihintay pa ng mga senador ang magiging direksyon ng Senate leadership hinggil sa naturang usapin.
















