-- Advertisements --
oil depot Iloilo

ILOILO CITY – Mahigpit na tinututulan ng Southeast Asian Fisheries Development Center (SEAFDEC) Aquaculture Department ang pagpapatayo ng oil depot ng Greyhorse Energy Incorporated sa Dumangas, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Victor Emmanuel Estilo, station head ng Dumangas Brackishwater Station ng SEAFDEC Aquaculture Department, sinabi nito na maliban sa pinangangambahang oil spill, tiyak na may mangyayaring polusyon mula sa mga patak ng fuel sa tuwing isinasagawa araw-araw ang hauling.

Pinaliwanag nito na ang mga patak-patak ng fuel ay maaaring anurin papunta sa dagat at kakapit sa mga bakhawan, palaisdaan, at mga yamang-dagat.

Dagdag pa nito, ang mangyayaring polusyon sa tubig ay papatay sa mga semilya ng isda at siya ring papatay sa kabuhayan ng mga tao.