Reading Time: 1 minute

Todo dipensa ngayon ang Department of Justice (DoJ) sa napabalitang nalalapit na paglaya ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay DoJ Usec. Markk Perete, espekulasyon pa lang ang sinasabing pagpapalaya kay Sanchez.

Sa ngayon kasi ay sinisilip pa raw nila ang sinasabing isinampang kaso noong 2006 ng Muntinlupa police matapos mahulian ng droga si Sanchez at nagpositibo rin si paggamit ng iligal na droga.

Ayon kay Perete sakaling mapatunayang totoo ang naturang kaso ay posibleng hindi na entitled sa full benefits ng good conduct time allowance (GCTA) ang dating alkalde.

Taong 2010 nang mailathala sa pahayagan ang isinagawang surpresang raid sa selda ni Sanchez at dito natagpuan ang isang kilong shabu.

Dagdag ni Perete kapag mayroong kahalintulad na kasong kinahaharap si Sanchez ay hindi na talaga makaka-avail ng GCTA ang akusado.

Nilinaw naman ni Perete na hindi parole ang dahilan ng sinasabing maagang pagpapalaya kay Sanchez kundi dahil sa RA 10592.

Sa naturang batas, mababawasan ang panahon ng isang preso sa piitan kung maganda ang pag-uugali nito.