-- Advertisements --

NAGA CITY- Nakatalaang pag-aralan ngayong linggo ng Health Emergency Response Task Force (HERTF) kung papaliwigin pa ang Modified Enhanced Community Quarantine sa Naga City.

Ayon dito, titingnan nila ang kalalagayan ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa nasabing lungsod.

Sa naging pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion, sa pagharap nito sa mga kagawad ng media, sinabi nito na kinakailangang may makitang pagbaba ng kaso ng mga tinatamaan ng naturang sakit.

Gayundin ang pagbaba sa utilization rate sa ICU ng mga ospital lalo na sa Bicol Medical Center (BMC).

Kaugnay nito, ang naturang datos ang isusumite sa Inter Agency Task Force bago pa man ikonsidera na ibaba sa mas maluwag na community quarantine classification ang lungsod.

Sa ngayon, inaasahan nito na irerekonsidera ang kahilingan ng lokal na pamahalaan pagdating ng buwan ng Hulyo.