Inihayag ng Malacang na ang potensyal na extension ng state of calamity declaration sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic ay nakasalalay sa rekomendasyon ng health department.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na magsasagawa sila ng announcement pagdating ng panahon.
Ang deklarasyon ng state of calamity ng bansa ay nakatakdang magtapos sa Setyembre 12, 2022.
Kung hindi ito mapapalawig, ang emergency use authorization ng COVID-19 vaccines ay magiging “cease to be valid”.
Titigil din ang government’s emergency procurement, tax exemptions para sa donors, price controls sa COVID-19 drugs and testing kits, at health workers’ benefits .
Ang deklarasyon ay nagbibigay din ng kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang COVID-19 vaccination program at mag-tap ng mga emergency fund upang tumugon sa krisis sa kalusugan.
Magugunitang, noong nakaraang buwan ay inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga awtoridad na tingnan ang pagpapalawig ng deklarasyon.