-- Advertisements --
Nag-iwan umano ng malaking puwang sa buhay ni Queen Elizabeth II ang pagkawala ni Prince Philip.
Ayon sa kanilang anak na si Prince Andrew, labis siyang nalungkot sa pagkawala ng kaniyang ama ganon din ang kalungkutang dinaramdan ng kaniyang ina.
Itinuturing nito ang ama na kalmado at kung may problema ito ay agad itong nag-iisip ng solusyon.
Kasama nitong dumalo sa burol ng ama sa Chapel of All Saints sa Windsor Great Park ang kapatid nitong si Prince Edward.
Magugunitang pumanaw si Prince Philip noong Biyernes sa edad 99 at ito ay nakatakdang ilibing sa Abril 17.