-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si Queen Elizabeth II.

Ayon sa Buckingham Palace, nakakaranas ang 95-anyos na reyna ng mild cold-like symptoms.

Dahil ito ay nakapag-isolate na siya at sumasailalim na ng gamutan.

Dagdag pa ng palasyo na fully vaccinated na ang nasabing reyna pero hindi nila binanggit kung anong uri ng bakuna ang itinurok sa kaniya.

Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay nagpositibo na rin sa COVID-19 si Prince Charles sa ikalawang pagkakataon habang ang asawa nitong si Camilla, Duchess of Cornwall ay nagpositibo rin sa virus matapos ang 10 araw.