-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kinontra ng hayagan ang ilang sa mga patutsada ng asawa ni Prince Harry na si dating US actress Megan Markle kaugnay ng hindi umano maganda na pagtrato sa kanila ng Royal Family habang nasa loob ng Buckingham Palace ng Inglatera.

Sa iniulat ng Bombo Radyo International News Correspondent na si Pinoy nurse Benedict Castillejos na nagmula sa Misamis Oriental at halos 20 dekada na sa United Kingdom, inihayag nito na kasinungalingan at hindi umano totoo ang ilan sa mga pasabog ng Meghan laban sa pamumuno ni Reyna Elizabeth.

Sinabi ni Castillejos na mismo si Reyna Elizabeth ang nagtalaga ng kanyang senior staff na si Samathan Cohen para kay Megan at nang magabayan ito mula sa Basic Etiquette patungo sa diplomatic protocol bilang bahagi ng Royal family sa loob ng Kensinton Palace.

Inihayag ni Castillejos na bagamat hindi naglabas nang panunumbat ang Palasyo subalit nagbigay linaw lamang sila ukol sa naglutangan na mga reaksyon sa naging laman ng mga pahayag ng mag-asawang Harry at Markle nang mapanayam sa Amerika noong nakaraang linggo.

Magugunitang mayroon ding ilang mga Pinoy bagamat hindi nagpapaunlak ng live interview sa Bombo Radyo na hindi rin nagkagusto o payag si Megan ang napangasawa ni Harry dahil wala naman daw napabilang sa angkan ng mga ma-impluwensiyang tao sa Inglatera.