-- Advertisements --

Malaking kawalan sa liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pagpanaw ni Ghazali Jaafar.

Ito ang inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Kapwa nagpa-abot ng pakikiramay ang AFP at PNP sa pagkamatay ni MILF leader Ghazali Jaafar.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac na kaisa nila ang sambayanang Filipino sa pagluluksa sa pumanaw na Jaafar na siyang chairman ng Bangsamoro Transition Commission.

Sinabi ni Banac na bahagi si Jaafar sa hangarin din ng PNP na magkaroon ng pangmatagalang pangkapayapaan sa Mindanao.

Malaki ang naging partisipasyon ni Jaafar para maisabatas ang Bangsamoro Organix law na ngayon ay ang bagong buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

” On behalf of the PNP high command, we express our deepest condolences to the bereaved family of the Chairman Jaafar and his colleagues in the Bangsamoro Transition Authority,” mensahe na ipinadala ni Colonel Banac.

Sa kabilang sako, nakikiramay din ang liderato ng Western Mindanao Command sa pagkamatay ni Jaafar.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Wesmincom Spokesperson Col. Gerry Besana na sila ay nalulungkot sa pagpanaw ni Jaafar.

” Nais naming ipaabot ang aming pakikiramay at pakiki dalamhati sa lahat ng mga kamag-anak at sa buong Bangsamoro sa pagkawala po ni Ghazali Jaafar, ito ay aming ipinaaabot sa ngalan ng aming commander na si Lt.Gen. Arnel Dela Vega kasama ang lahat ng mga tauhan ng Western Mindanao Command,” pahayag ni Besana.

Sinabi ni Besana, malaking kawalan sa MILF si Jaafar.

Tiniyak naman ni Besana na suportado ng Wesmincom anumang magiging hakbang ng MILF kasunod ng pagpanaw ni Jaafar.

” We are sure that the Bangsamoro Transition Authority will be able to move on sa pagpanaw ni Jaafar,” wika ni Col. Besana.