CAGAYAN DE ORO CITY – Naniniwala si PDP-Laban faction president Atty. Rogelio Garcia na mawawalan na ng suporta si Sen. Koko Pimentel sa partido kasunod nang pagpanaw ng kanyang ama na si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.

Dahil dito, wala na umanong makukuhang suporta si Sen Koko galing sa mga orihinal na mga miyembro ng kanilang partido.

Ngunit nilinaw naman ni Garcia na mananatili pa rin ang kanilang mataas na respeto sa tinaguriang Tatay Nene lalo na’t kinikilala ito bilang haligi ng kanilang partido.

Matatandaang mayroong mga orihinal na miyembro ng PDP-Laban ang kumalas sa grupo at naghalal ng opisyal dahil sa umano’y pagwalang bahala ni Koko bilang presidente ng partido.