Inamin ng Philippine Fencing Association (PFA) na nagkaroong ng epekto sa morale sa atleta ng bansa ang paglipat ng nationality ni Maxine Esteban.
Si Estaban kasi ay nagdesisyon na maging representative ng Ivory Coast imbes na Pilipinas ng makapasok ito sa Paris Olympics.
Ayon kay PFA president Rene Gacuma na nagkaroon ng isyu kay Esteban na napagdesisyunan na rin ng board at hindi na rin nila mapigil ang anumang desisyon nito.
Inamin ng dating Ateneo de Manila University player na labis itong nadismaya matapos na matanggal siya sa listahan ng national team dahil nagpapagaling sa injury.
Natamo nito ang injury habang nirepresenta niya ang bansa sa World Championship noong Hulyo.
Giit nito na tila nabastos siya dahil hindi ipinaalam sa kaniya ng harap-harapan kahit na miyembro siya ng national team ng walong taon at wala itong anumang masamang record.
Ipinalit naman ng PFA si Samantha Catantan na sinasabing may magandang mga accomplishment kumpara kay Esteban.
Natakdang lumahok si Catantan sa Asia-Oceana Olympic qualifying meet sa Abril 27 at 28 sa Dubai kung saan umaasa itong makapasok sa Paris Olympics.
Tiniyak naman ng PFA na tutulungan nila ang mga atleta para maging matagumpay ang kanilang pakikipaglaban.