Reading Time: 1 minute

Patuloy na nagbibigay ng “good vibes” ang video ng pagkikita nina Sen. Manny Pacquiao at ng binansagang “Little Pacquiao” na si Jonah Villamil.

Noong 2016, nabalitaan ni Pacman na isang bata na masugid na umi-idolo sa kaniya ang natukoy na may malubhang sakit.

Kaya naman, naglabas ang fighting senator ng video message para kay Jonah.

Kalaunan ay bumuti ang kondisyon ng bata at nitong nakalipas na araw ay pinalad sila ng kaniyang pamilya na makasama ang idolong boksingero.